De Lima, isinangkot ni Pangulong Duterte sa ilegal na droga

By Ruel Perez August 17, 2016 - 06:14 PM

Leila de Lima1Pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang senadora na umano’y nakikinabang din sa pera mula sa droga.

Sa talumpati ni Duterte kanina sa ika-115 taong anibesaryo ng Police Service, tinawag nito na immoral ang nasabing mambabatas dahil ang mismong driver nito ay kanya din umanong lover

Ayon pa sa pangulo, mismong ang driver ng nasabing senadora ang kumokolekta ng pera mula sa mga drug lords sa Muntinlupa para ibigay sa nasabing senadora.

Ang naturang pera din umano ang ginamit nito sa kampanya noong nakalipas na eleksyon.

Paliwanag pa ni Duterte, noon pa na alkalde siya ng Davao ay binabanatan na siya ng naturang government official, at katunayan may CD pa umano ang pangulo kung saan sinabi ng nasabing senadora na papatunayan niya ang koneksyon ni Duterte sa DDS o Davao Death Squad.

Pero hanggang ngayon ay wala naman itong maipakitang ebidensya at puro salita o daldal lamang ito, kaya kung magkita umano sila ng senadora ay ipapakain niya ng buo ang nabanggit na CD.

Matatandaan na sinabi na noon ni Duterte na ibubunyag nito sa publiko si Sen. Leila de Lima upang mapahiya at malaman ng taumbayan ang kanyang mga ginagawa.

Isa si De Lima sa mariing bumabatikos sa kampanya ngayon ng pamahalaan sa iligal na droga kung saan mariin nitong kinokondena ang mga pagpatay sa mga drug suspects.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.