“Junior citizens”, pinabibigyan na din ng discounts
Kung ang mga senior citizen ay may mga diskwento, iginiit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagkakaloob na rin ng discount sa mga “junior citizen” o mga batang hanggang labing dalawang taong gulang.
Sa ilalim ng House Bill 3881 o Junior Citizens Act, sinabi ni Barbers na ang mga batang miyembro ng pamilya na kumikita lamang ng hanggang 250,000 pesos kada taon ay mabibigyan ng 20 percent discount at exemption sa Value Added Tax o VAT para sa medical services at mga produkto.
Otomatiko ring magiging miyembro ng Philhealth ang mga Junior Citizen hanggang sa makatuntong sila sa edad na dose.
Kumbinsido si Barbers na malaki ang maitutulong ng kanyang panukala sa mga junior citizen lalo na ang mga nasa mahihirap na pamilya.
Ani pa ng Kongresista, dahil sa discount at Philhealth coverage para sa junior citizens, hindi sila magiging pabigat at magagamit ang kakarampot na pera sa iba pang pangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.