Paghahanap sa 4 na minerong na-trap sa tunnel sa Gen. Nakar, Quezon nagpapatuloy

By Erwin Aguilon August 17, 2016 - 03:18 PM

Gen Nakar 2
Photo from 48th Infantry Battalion, Philippine Army

Ipinagpatuloy ngayong araw ang paghahanap sa apat na minero na na-trap sa ginagawang Umiray-Angat Trans-basin Project sa Sumag River, Barangay Umiray, General Nakar, Quezon.

Nagtutulungan na ang 6-man rescue team mula sa Philex Mining at mga tauhan ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army para mahanap ang apat na biktima.

Dinala na rin kanina ng chopper ng CAVDEAL International Construction ang dalawang water pump na makakatulong upang maalis ang tubig sa 340-meters na ginagawang tunnel.

Bago ito, nauna na dinala ng helicopter ng 505th Rescue Command ng Philippine Air Force ang mga gamit ng rescuer kahapon.

Sinabi ni Lt. Col. Ramil Anoyo, commander ng 48th Infantry Battalion, nahihirapan ang mga rescuer na mahanap ang apat dahil sa kulay putik na tubig sa loob.

Gen Nakar
Photo from 48th Infantry Battalion, Philippine Army

Nauna nang gumuho ang temporary dike na ginawa ng mga minero upang hindi pumasok ang tubig mula sa Sumag River noong alas sais ng umaga ng Sabado dahil sa flash flood dahilan upang ma-trap ang pitong minero.

Isa ang nakaligtas sa insidente, dalawa ang namatay at apat ang kasalukuyang pinaghahanap.

Nananatili naman sa lugar ang bangkay ng mga biktimang sina Simeon Sig-od at David Guiaqui Jr. habang dinala na sa tanggapan ng CAVDEAL ang nakaligtas na minero.

Ang CAVDEAL ang contractor ng ginagawang Umiray-Angat Trans-basin na proyekto ng MWSS para madala ang tubig mula sa Sumag River patungo sa Angat Dam sa Bulacan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.