Bottom-Up-Budgeting, ipinababalik sa 2017 national budget

By Isa Avendaño-Umali August 17, 2016 - 12:00 PM

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Iginiit ni Siquijor Rep. Rav Rocamora ang pagbabalik ng sa Bottom-Up-Budgeting o BUB sa 2017 national budget, na ‘pinatay’ ng Duterte Administration.

Inihain ni Rocamora ang House Joint Resolution no. 4 para himukin ang ehekutibo na isama muli ang BUB sa pambansang pondo para sa susunod na taon, dahil sistema aniya ito ng demokratikong budget process.

Binigyang-diin ni Rocamora na sa BUB, napagkakalooban ng kapangyarihan ang mga mahihirap na lugar kaya crucial itong Anti-Poverty Alleviation measure.

Payo ni Rocamora sa Duterte government, sa halip na alisin ang BUB ay marapat na palawakin pa ito at gawing institutionalized sa pamamagitan ng batas.

Punto pa ng kongresista, bagama’t malaki ang pondo para sa LGUs sa 2017, kailangan pa rin aniya ang BUB para magkaroon mg partisipasyon ang publiko sa pagtukoy ng mga proyektong gugugulan ng alokasyon.

Sa sistema ng BUB, ang mga lokal na pamahalaan ay pwedeng magsumite ng listahan ng proyekto batay sa kanilang pangangailangan at base sa kunsultasyon sa mga NGO at civil society groups.

Matatandaang sa nakalipas na pagsusumite ng palasyo sa kamara ng panukalang 2017 budget, sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na pinatay na ang BUB sa pambansang pondo dahil naabuso lamang daw ito noong Aquino administration.

 

TAGS: botom up budgeting, botom up budgeting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.