Filipina long jumper Marestella Sunang, bigong maka-abante sa finals ng Olympics
Sa ikatlong pagkakataon, nabigo muli ang Filipina long jumper na si Marestella Torres-Sunang na maka-abante sa finals sa nagpapatuloy na Rio Olympics matapos kapusin sa long jump attempt.
Naitala ni Sunang ang 6.22m na kaniyang longest jump attempt sa event na ginanap Miyerkules ng umaga.
Kailangan sana ni Sunang na 6.75m para maka-abante sa next round, pero 6.15m lamang ang naitala nito sa kaniyang third attempt.
Nagtapos si Sunang sa 14th rank mula sa labingsiyam na kalahok sa Group B at pang-28 naman mula sa 38 sa overall.
Taong 2008, nakapagtala si Sunang ng longest jump na 6.18m sa Beijing Olympics at 6.22m naman sa London noong 2012.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.