Walong sasakyan, nagkarambola sa Makati; apat ang sugatan
Apat na katao ang nasugatan sa karambola ng walong sasakyan sa Kalayaan Avenue sa Makati City.
Ayon kay Charlie Nozares ng MMDA metrobase, sangkot sa aksidente ang dalawang pampasaherong jeep, isang isuzu Crosswind, isang Mitsubishi Mirage, isang Toyota Altis, isang Hi-Ace, isang Toyota Vios at isang Mitsubishi Strada.
Sa lakas ng impact ng pagkakasalpok, umibabaw pa ang Strada sa kulay pulang Mirage.
Naganap ang aksidente sa pagbaba ng Kalayaan flyover pagkagaling ng Buendia, sakop ng Barangay Pinagkaisa, Makati City.
Masyado umanong mabilis ang andar ng isa sa mga pampasaherong jeep nang ito ay mawalan ng preno at bumangga sa mga sasakyang nasa harapan nito.
Dahil sa dami ng sangkot na sasakyan, nabarahan ang daloy ng trapiko sa ilalim ng Kalayaan flyover na nagresulta sa matinding pagsisikip sa daloy ng traffic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.