Maraming lansangan sa CAR, sarado sa mga motorist dahil sa landslides at rockslides

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2016 - 12:28 PM

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Maraming lansangan sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang hindi na madaanan ng mga motorist dahil sa naganap na mga rockslides at landslides.

Sa mga lansangan na patungo sa Baguio City, sarado ang Kennon Road dahil sa nagbaksakang bato sa kalsada; gayundin ang bahagi ng Benguet – Nueva Vizcaya Road partikular ang Ambuklao – Bokod Section at ang Pakak, Pito, Bokod Section dahil sa rock at landslides.

Sarado din ang Alab – Balili Section at ang Amcao Section ng Baguio Bontoc Road dahil sa mga nakahambalang na debris sa kalsada.

Sa Abra, sarado ang Nalbuan, Licuan Baay Kalinga Road; ang bahagi ng Gurel – Bokod – Kabayan – Buguias – Abatan road; bahagi ng Acop – Kapangan – Kibungan road; habang nagpapatupad ng open at close situation sa Sinipsip – Ampusongan road.

Sa Kalinga naman, sarado ang Pantikian section ng Kalinga – Abra road dahil sa gumuhong lupa.

Sa Ifugao, sarado din ang Kiangan – Tinoc Buguias boundary road.

Sa Mt. Province, sarado din dahil sa landslide ang Aluling section ng Mt Province to Ilocos Sur road; gayundin ang Junction – Talubin – Barlig – Natonin – Paracelis – Calaccad road; ang bahagi ng Sagada – Besao provincial road; at ang bahagi ng Mt. Province – Cagayan via Tabuk-Enrile road.

Ginagawa na ng Department of Public Works and Highways ang lahat upang malinis sa lalong madaling panahon ang mga nakabarang lupa at bato sa mga apektadong kalsada.

 

 

TAGS: closed roads due to rockslides and landslides, closed roads due to rockslides and landslides

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.