Mahigit 5,000 pang pamilya, nasa mga evacuation centers dahil sa epekto ng habagat
Mahigit limang libong pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation centers bunsod ng malakas na pag-ulan na naranasan mula noong Biyernes na nagresulta ng pagbaha sa maraming lugar.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 5,037 na pamilya pa o katumbas ng 24,024 na indibidwal ang nasa evacuation centers.
Sa ngayon 63 pang evacuation centers ang bukas sa NCR, Regions 1, 3 at 4-A.
Mayroon namang 9,969 na pamilya o 45,805 na indibidwal ang pansamantalang nakitira sa bahay ng kanilang mga kaanak o kaibigan.
Sa kabuuan, umabot sa mahigit 27,000 pamilya ang naapektuhan ng pag-ulang dulot ng Habagat o katumbas ng halos 130,000 na indibidwal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.