Mga testigo sa pagkakasangkot ng mga ‘scalawags’ sa EJK, hawak ni De Lima

By Inquirer, Jay Dones August 16, 2016 - 03:25 AM

 

Inquirer file photo

May mga testigo si Sen. Leila De Lima na makapagtuturo ng mga grupo at taong sangkot sa serye ng mga extrajudicial killings sa bansa.

Ayon kay De Lima, isinasagawa ang mga pagpatay ng mga ‘scalawags’ upang ikubli ang kanilang pagkakasangkot sa mga sindikato ng iligal na droga sa Pilipinas.

Kabilang aniya sa mga testigo ay mga kaanak mismo ng mga biktima ng EJK na napapatay o pinapatay ng mga sangkot sa iligal na drug trade.

Ang mga witness aniya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Commission on Human Rights.

Dahil sa mga impormasyong kanyang nakatakdang isiwalat sa magaganap na senate hearing ng Committee on justice and human rights sa Lunes, sinulatan ni De Lima si Pangulong Duterte at pinayuhang tutukan ang magaganap na imbestigasyon upang malaman nito ang mga taong sangkot sa mga pagpatay.

Ayon pa kay De Lima, may ilang mga kaso ng pagpatay kung saan pasimuno ang mismong mga corrupt na opisyal upang na pinatatahimik ang ilang personalidad upang hindi mabunyag ang kanilang pagkakasangkot sa droga.

Ramdam din niya aniya ang galamay ng ilang grupo sa pagtatangkang pigilan ang inquiry na isasagawa ng senado ukol sa mga kaso ng pagpatay sa mga drug suspects.

Gayunman giit ng senador, tulad ng hangarin ng Pangulong Duterte, nais lamang niyang makitang nagtatagumpay ang kampanya kontra droga nang hindi inaabuso ng iilang personalidad sa hanay ng mga alagad ng batas.

Nais din niya aniya na mabigyan ng kaukulang guidelines ang pulis kung paano maisasakatuparan ang kanilang mga operasyon nang naayon sa batas.

Bilang bahagi ng magaganap na inquiry, nagpahatid na ng kmga summon ang senado sa ilang resource person na naimbitahan sa August 22 at 23.

Kabilang sa mga naimbitahan ay si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.