Quezon, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo August 15, 2016 - 11:40 AM
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Burdeos sa lalawigan ng Quezon.
Sa datos mula sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 17 kilometers north ng Burdeos kaninang alas 10:50 ng umaga.
May lalim na 18 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Dahil sa nasabing pagyanig, naitala ang intensity 3 sa Polilio, Quezon; Intensity 2 sa Infanta, Quezon; at intensity 1 sa Mercedes at Alabat, Quezon.
Wala namang inaasahang aftershocks o pinsala na maidudulot ang nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.