Heavy rainfall warning, nakataas pa rin sa Zambales at Bataan

By Dona Dominguez-Cargullo August 15, 2016 - 06:07 AM

Yellow Rainfall WarningItinaas muli ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa lalawigan ng Zambales at Bataan dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan bunsod ng habagat.

Ayon sa PAGASA, posible ang pagbaha sa mga mababang lugar sa dalawang nabanggit na lalawigan.

Habang mahina hanggang sa katamtaman namang pag-ulan ang naka-aapekto sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Rizal, Quezon, Pampanga, Tarlac at Bulacan.

Inabisuhan ng PAGASA ang publiko na antabayan ang susunod na abiso na ilalabas ng weather bureau, mamayang alas7:00 ng umaga.

Sa weather forecast ng PAGASA, apektado pa rin ng southwest monsoon ang buong Luzon at Western Visayas.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng mga pag-ulan na dulot ng habagat na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang Metro Manila, Ilocos region, Cordillera Administrative Region (CAR) at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas at Mindoro.

 

TAGS: yellow rainfall warning, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.