Testimonya ni “Dagul”, missing link

July 21, 2015 - 05:31 PM

Inquirer file photo/ Niño Jesus Orbeta

Itinuturing ng National Bureau of Investigation na ‘missing link’ ang testimonya ni alias “Dagul” sa kasong isinampa laban sa 5 pulis Maynila na isinasangkot sa umano’y rub-out sa tricycle driver sa Sampaloc Maynila.

Ayon sa hepe ng NBI Anti-organized Transnational Crime Division, o AOTCD Atty. Manny Eduarte, sa kanilang isinagawang evaluation, napag alaman na napakahalaga ng salaysay ni “Dagul” para maging matibay ang ebidensya laban sa limang pulis.

Nais din umano mapagtibay ng NBI ang umanoy conspiracy o pagsasabwatan ng mga pulis at ang umano’y biktima ng holdap na si kagawad Steven de Leon.

Sa ngayon paliwanag ni Eduarte, kinakailangan muna na sampahan ng kaso si alyas Dagul para mag qualify ito sa WPP o Witness Protection Program. / Ruel Perez

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.