CPP kinontra si Duterte sa Marcos burial

By Kabie Aenlle August 15, 2016 - 03:19 AM

 

Inquirer FILE PHOTO
Inquirer FILE PHOTO

Binanatan na rin ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang katigasan anila ng ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpipilit nitong i-libing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa pahayag na inilabas ng CPP, itinuring nila ang hakbang na ito ng pangulo na isang determinadong pag-basura sa iniingatang kasaysayan ng mga Pilipino.

Marami anila ang nangangamba dahil sa ilang beses na ring nag-banta si Pangulong Duterte ng pagde-deklara ng martial law kung may hahadlang sa kaniyang laban kontra iligal na droga.

Ang paglilibing anila kay Marcos kasama ng mga dating sundalo ay kukunsinte lang sa mga kasinungalingang bumabalot sa mga pekeng medalya at pekeng Maharlika guerrilla unit ni Marcos.

Mariin rin nila itong kinokondena dahil otomatiko anilang binubura ng administrasyon ang madugo at marahas na mga paglabag sa karapatang pantao na naganap noong rehimeng Marcos.

Binatikos rin ng CPP ang laharang pagpapakita ni Duterte ng kaniyang alyansa sa pamilya Marcos na nakakatulong umano sa misyon ng mga ito na baguhin ang kasaysayan at linisin ang pangalan ng mga ito sa mga nakababatang henerasyon.

Bukod dito, tinawag rin nila itong isang insulto sa alaala ng libo-libong makabayang Pilipino na isinakripisyo ang kanilang buhay para ipaglaban ang kalayaan ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.