Mga protesta laban sa Marcos burial, hindi makakagulo kay Duterte

By Isa Avendaño-Umali August 14, 2016 - 03:07 PM

 

duterteHindi umano makakaabala o makakagulo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang kilos-protesta laban sa nakatakdang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani o LNMB sa Setyembre.

Ang pahayag ay inilabas ng Malakanyang matapos ang tinawag na Citizen’s Assembly sa Luneta Park na dinuluhan ng mga personalidad at grupo na mariing kumukontra sa hero’s burial para kay Marcos.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, naninindigan ni Presidente Duterte sa kanyang desisyon hinggil sa Marcos burial sa harap ng mga batikos dito.

Dagdag ni Andanar, paulit-ulit na binabanggit ng Pangulo na papayagan niya ang anumang uri ng protesta laban sa paglilibing kay Marcos sa LNMB.

Pagtitiyak ni Andanar, kahit kabi-kabila pa ang mga protesta ay ‘governance as usual’ si Presidente Duterte at hindi mahahati ang atensyon lalo na sa kampanya nito kontra ilegal na droga, kriminalidad at kurapsyon.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na pabor siya sa Marcos burial dahil ‘dati siyang presidente, period.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.