Mahigit 1000 pamilya, lumikas sa San Mateo, Rizal & Marikina City dahil sa Habagat
Kabuuang isanlibo at walumpung pamilya na ang mga nasa evacuation centers sa San Mateo, Rizal at Marikina City dahil sa pagbaha bunsod ng walang tigil na mga pag-ulan sanhi ng Habagat.
Animnaraan at walumpung pamilya ang inilikas sa San Mateo habang apat’naraang pamilya naman sa Marikina City.
Karamihan sa mga evacuee sa San Mateo ay nagmula sa Brgy. Banaba at nagsisiksikan sa covered court malapit sa Brgy. Hall doon.
Ayon sa mga lokal na opisyal, bukas pa araw ng lunes papayagan na makabalik sa kani-kanilang mga bahay ang mga evacuee.
Iyan ay dahil nasa labing siyam na metro na ‘above sea level’ ang tubig sa ilog sa San Mateo.
Samantala, nasa critical level na rin ang tubig sa Marikina river at ito ay nasa 18 meters above sea level kayat isinagawa ang paglikas simula kagabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.