DILG, nag-utos ng partial investigation kaugnay ng insidente sa Parañaque City Jail

By Rod Lagusad August 14, 2016 - 04:20 AM

dilg-sueno-620x465Inutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magsagawa agas ng isang patas na imbestigasyon kaugnay ng pagsabog ng Granada sa loob ng Parañaque City Jail na naging dahilan ng pagkamatay ng sampung preso.

Nagbigay ng partkular na utos si Interior Secretary Ismael “Mike” Sueno kay BJMP Officer-in-Charge, Jail Chief Supt. Serafin Petronio Barretto Jr. na siguraduhing magiging maayos ang imbestigasyon at masasampahan ng kaso ang mga jail personnel na nagkulang sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Ayon kay Sueno na malinaw ang pagkukulang ng mga jail guards ng nasabing kulungan sa pagpapatupad ng mga patakaran nito dahil kung kanilang nasunod ito ay walang kontrobandong makakapasok sa loob ng kulungan.

Dagdag pa niya, nagsasagawa ng sariling imbestigasyon ang BJMP National Capital Region, Philippine National Police (PNP) Scene of the Crime Operatives (SOCO) and the PNP Parañaque Homicide Section.

Sinabi ni Sueno na na nakatanggap na sila ng initial report mula sa BJMP National Headquarters kung saan kanilang ikinalulungkot ang nangyari kaya dapat malaman mula sa isinasagawang impartial investigation ang totoong sanhi ng imbestigasyon.

Upang magbigay daan sa isinasagawang imbestigasyon, inutis na ni BJMP Regional Director, Jail Chief Supt. Michael Escarte Vidamo Sr. ang pag-relieved ang  lahat ng second shift duty personnel kasama ang warden at naka duty na Senior Officer of the Day mula sa kanilang mga pwesto, sila naman ay pinalitan ng mga miyembro ng Special Tactics and Response (STAR) Team.

Sa report na ipinadala sa DILG, nakasaad dito na may grupo ng mga inmate ang dinala sa opisina ng warden na si Jail Supt. Gerald Bantang para umanoy maglabas ng kanilang mga hinaing at ilang saglit ditto ay sumunod  na ang palitan ng putok ng baril at isang malakas na pagsabog.

Walong inmates ang dead on the spot habang ang dalawa naman ang agad isinigud sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival.

TAGS: BJMP, DILG, Interior Secretary Ismael “Mike” Sueno, PNP, BJMP, DILG, Interior Secretary Ismael “Mike” Sueno, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.