Pag-uulan sa Metro Manila at karatig na lugar, magpapatuloy

By Rod Lagusad August 14, 2016 - 04:19 AM

pagasa-logo-298x224Matatagal pa ang nararanasang pag-ulan sa Metro Manila at ilang karatig probinsya na maaring magdulot ng pagbaha at mga landslide.

Ayon sa PAGASA, mararanasan ang habagat sa Kalakhang Maynila at sa mga probinsya ng Zambales, Bataan, Pampanga, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at Batangas.

Sa Metro Manila, iniligay sa critical alert ang Marikina River at La Mesa Dam matapos malapit na ang mga ito umabot sa kanilang spilling levels na nagbunsod sa lokal na gobyernong Quezon City at Marikina na mag-abiso ng evacuation sa mga apektadong lugar.

Magpapatuloy ang pag-uulan sa mga prbinsya ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Mimaropa at Western Visayas.

Dagdag pa ng PAGASA maulap na kalangitan namay mahina hanggang katamtaman na uklan ang mararanasan sa Luzon at Visayas habang ang Mindano ay inaasahan ang ilang pag-ulan.

Sinabi pa ng ahensya na katamtaman hanggang sa malakas na hangin ang iihip na magmumula sa timog-kanluran na mananaig sa buong bansa.

 

 

TAGS: la mesa dam, marikina river, Pagasa, la mesa dam, marikina river, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.