Orange at Yellow Rainfall warning, itinaas ng PAGASA
Inanusyong PAGASA bandang alas dyes ng gabi na nakataas ang Orange Warning Level ang mga probinsya ng Batangas at Cavite na kung saan mapanganib ang pagbaha.
Nasa ilalim naman ng Yellow Warning Level ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Laguna at Quezon na maaring namang magdulot ng pagbaha sa mga low lying areas.
Makakaranas naman ng mahina hanggang katamtaman na may ilang malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Rizal na maaring magtagal sa loob ng 2 hanggang 3 oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.