3 patay sa pagguho ng pader sa Maynila at Quezon City
Tatlo ang patay sa pagguho ng pader sa ilang bahay sa magkahiwalay na insidente sa Maynila at Quezon City.
Sinasabing gumuho ang pader sa mga bahay dahil sa paglambot ng lupa bunsod ng patuloy na pag-uulan.
Kinumpirma ni Supt. Santiago Pascual, Ground Commander station 3 Sta. Cruz Police Station na namatay habang ginagamot sa ospital sina Mary Hope Viriña, katorse anyos at kapatid nitong si Arjilyn Joyce Viriña.
Sa bahagi ng Maynila, sugatan sina Pedro Elbanbuena, 32 anyos, Arnold Dizon 35 at Rommel Idio, 31 anyos.
Samantala, patay naman si Archie Contado, bente syete anyos, isang manikurisata, matapos gumuho ang pader sa isang bakanteng lupa sa Doña Mariana sa New Manila, Quezon City kung saan naroon ang kanyang bahay.
Ayon sa kapatid ni Contado na si Raymond, huli silang nagkita ng kanyang kuya noong Miyerkules at pinaalis pa sya nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.