12 flights na lalapag sana sa NAIA, na-divert sa Clark Airport
Dahil sa sama ng panahon sa Metro Manila, labingdalawang flights na lalapag sana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang na-divert sa Clark Airport sa Pampanga.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa na-divert ang mga international at domestic flights na lalapag sana sa Terminals 1, 2, 3 at 4.
Narito ang listahan ng mga na-divert na flights ayon sa MIAA:
(Terminal 1)
EY 424 Abu Dhabi-MNL
KU 411 Bangkok-MNL
CZ 397 Guangzhou-MNL
(Terminal 2)
2P 2144 Iloilo-MNL
PR 101 Honolulu-MNL
(Terminal 3)
5J 386 Cagayan De Oro-MNL
5J 622 Tagbilaran-MNL
5J 704 Dipolog-MNL
5J 572 Cebu-MNL
EK 332 Dubai-MNL
CX 919 Hong Kong-MNL
(Terminal 4)
Z2 353 Tagbilaran-MNL
Para sa mga kaanak ng pasahero na sakay ng nasabing mga flights, maaring tumawag sa sumusunod na numero:
T1 – 8771765
T2 – 877-1109 loc. 2882
T3 – 8777888 loc. 8144
T4 – 551-4119
O di kaya ay mag-text sa 09178396242.
Kaninang alas 7:00 ng gabi, itinaas na ng PAGASA ang orange rainfall warning sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na malakas na buhos ng ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.