Orange rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa Bataan at Zambales

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2016 - 01:54 PM

Orange Rainfall Warning

(update) Itinaas ng PAGASA ang orange rainfall warning sa lalawigan ng Bataan at Zambales.

Mula sa yellow warning kaninang alas 10:00 ng umaga, itinaas ng PAGASA sa orange ang level ng rainfall warning dahil sa malakas at patuloy na pag-ulan na nararanasan sa dalawang lalawigan.

Babala ng PAGASA sa mga residente, nagbabadya ang pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

Samantala, yellow rainfall warning naman ang nakataas sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Cavite at Rizal.

Habang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Tarlac, Batangas, Laguna, Nueva Ecija at Quezon.

 

 

 

 

 

TAGS: orange rainfall warning, orange rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.