Aiza Seguerra, bagong NYC chairperson

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2016 - 12:57 PM

Aiza SeguerraKasunod ng mga espekulasyon sa magiging pwesto niya sa Duterte administration, kinumpirma na ng National Youth Commission (NYC) na si Aiza Seguerra na ang bagong chairperson ng ahensya.

Ang pagtatalaga sa singer-actress ay kinumpirma sa convention ng NYC sa Quezon City.

Pasok naman ang 32-anyos na singer sa requirement para sa position na dapat hindi lalagpas ng 35-anyos ang maitatalagang chairperson ng NYC.

Nauna nang naiulat na itatalaga si Aiza bilang commissioner ng National Commission for Culture and the Arts, bagay na itinanggi ng singer.

Samantala, ang partner ni Aiza na si Liza Diño ay itinalaga namang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Tatlong taon ang termino ni Diño sa nasabing pwesto.

Ang pagtatalaga kina Aiza at Liza ay kinumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

 

TAGS: Aiza Seguerra appointed as NYC chairperson, Aiza Seguerra appointed as NYC chairperson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.