Magandang panahon ang mararanasan sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, sa kabila ng forecast na maayos na panahon sa susunod na mga araw, kailangan pa ring maging handa ang publiko sa mga pag-ulan.
Makararanas pa rin kasi ng isolated rainshowers at thunderstorms sa hapon gaya ng naranasang malakas na buhos ng ulan kahapon sa bahagi ng Quezon City at Rizal.
Sinabi ng PAGASA may umiiral na ridge of high pressure area at ito ang maghahatid ng maaliwalas na panahon sa bansa. Maituturing umano itong ‘break’ sa monsoon rain o habagat.
Makakaranas ng maaliwalas na lagay ng panahon ang Northern Luzon na ilang linggo ring nakaranas ng malakas na pag-ulan./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.