Jail warden at 9 na jail guards sa Parañaque City jail sinibak matapos ang pagsabog
Sinibak na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang jail warden at siyam pang jail guards sa Parañaque City jail matapos ang pagsabog na naganap kagabi na ikinasawi ng sampung preso.
Inalis na sa pwesto jail warden Supt. Gerald Bantag na ngayon ay nasa Parañaque hospital matapos masugatan bunsod ng pagsabog.
Nagpapatupad ngayon ng lockdown sa bilangguan at walang pinapayagang kaanak ng mga preso na makapasok o makadalaw.
Napasugod sa bilangguan ang kaanak ng mga preso para malaman kung sino ang mga nasawing bilanggo.
Hindi pa kasi inilalabas ng pamunuan ng bilangguan ang pagkakakilalan ng mga presong nasawi sa pagsabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.