Apat na sasakyan nagkarambola sa C5, 1 ang sugatan
Apat na sasakyan ang nagkarambola sa southbound lane ng C5 malapit sa kanto ng McKinley Road.
Sangkot sa aksidente ang isang 14-wheeler truck, isang 12-wheeler truck, isang closed van at isang pampasaherong jeep.
Ayon sa kay Leila Marcelo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) metrobase, sugatan sa nasabing aksidente ang driver ng isa sa mga truck matapos na maipit ang kaniyang binti.
Kinilala ang nasugatang driver na si Orly Mercado.
Dahil sa nasabing aksidente, hindi halos madaanan ng mga motorista ang nasabing bahagi ng C5 southbound.
Pinayuhan na ang mga motorista na sa EDSA na lamang dumaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.