Gen. Dela Rosa, handang humarap sa mga senador

By Jay Dones August 12, 2016 - 04:17 AM

 

Inquirer file photo

Hindi natitinag si General Ronald Dela Rosa sa nakatakda nitong pagharap sa mga miyembro ng Senado na mag-iimbestiga sa mga extrajudicial killings sa bansa.

Si Dela Rosa ay dadalo sa Senate committee on justice and human rights sa August 22 at 23.

Ayon kay Dela Rosa, bahagi ng kanilang trabaho ang pagsagot sa mga tanong ng mga mambabatas na nagsasagawa ng imbestigasyon.

Tiniyak naman ni Sen. Leila de Lima na irerespeto nila ang mga resource persons na kanilang iimbitahan.

Paliwanag ni De Lima, kailangang malaman ang mga detalye sa likod ng operasyon kontra droga ng PNP at kung bakit tumaas ng todo ang bilang ng mga nasawi sa mga anti-drug operations ng mga otoridad.

Samantala, kinwestyon naman ni Sen. Alan Cayetano ang ‘timing’ ng imbestigasyon sa pagsasabing masyadong abala ang PNP at mga hukom sa pagtugis sa mga drug syndicates sa mga panahong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.