‘No parking, no car’ muling inihirit ni Sen. Gatchalian
Muling ipinawanagan ni Sen. Win Gatchalian ang mahigpit na pagpapatupad ng ‘No parking space, no car policy’ sa Metro Manila para maibsan ang krisis sa trapiko.
Sinabi ni Gatchalian wala ng pinipiling oras ang traffic kayat dapat ay gumawa na ng mga konkretong hakbang.
Aniya hinihimok niya ang mga kapwa niya mambabatas na sang-ayunan ang inihain niyang Senate Bill 201 o ang ‘Proof of Parking Space Act.
Aniya, dapat ay magpakita muna ng pruweba ang bibili ng sasakyan na mayroon silang paparadahan ng kanilang behikulo.
Sinabi din ni Gatchalian na suportado niya ang posisyon na bigyan ng emergency power ang ehekutibo para sa agarang solusyon sa krisis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.