Sandiganbayan, pinayagan si dating Makati Mayor Junjun Binay na makabiyahe sa US

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2016 - 10:40 AM

Junjun BinayPinagbigyan ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay na makalabas ng bansa para madala ang kaniyang anak sa isang medical specialist sa United States.

Sa nasabing hiling, inihirit ni Binay sa Third Division ng anti-graft court na payagan siyang bumiyahe sa August 14 hanggang 26 dahil nangangailangan ng “urgent medical consultation” ang kaniyang anim na taong gulang na anak na babae.

Pero sa pasya ng Sandiganbyan, pinayagan si Binay na umalis sa bansa ng August 15 at kailangan itong makabalik ng hindi lalagpas sa August 24.

Inatasan din ng korte si Binay na maghain ng P608,000 na travel bond para matiyak na susunod siya sa mga terms and conditions sa kaniyang pagbiyahe.

Ayon kay Binay, inirekomenda ng pediatrician ng bata na magpatingin ito sa allergologist at immunologist na si Dr. Ricardo Tan sa California para sa 2nd opinion.

Ito ay kaugnay sa medical condition ng bata na “staphylococcal scalded skin syndrome” na isa umanong “uncommon disease.”

Si Binay ay nahaharap sa kasong graft, malversation at falsification of public documents sa Sandiganbayan kaugnay sa umano ay overpriced na konstruksyon ng Makati City Hall Building II at kasalukuyang may umiiral na Hold Departure Order laban sa kaniya.

 

 

TAGS: Sandiganbayan grants Junjun Binay's request to leave the country, Sandiganbayan grants Junjun Binay's request to leave the country

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.