Orange rainfall alert sa Bataan, Cavite at Batangas-PAGASA
Alas tres ng madaling-araw, muling nagpalabas ang Pagasa ng heavy rainfall warning para sa mga lalawigan ng Bataan, Cavite, at Batangas.
Sa abiso ng Pagasa, nasa ilalim ng Orange warning level ang tatlong naturang lalawigan na nangangahulugan ng pagbuhos ng hanggang tatlompung milimetro ng tubig ulan sa naturang mga lugar at banta ng pagbaha sa loob 2 hanggang 3 oras.
Nasa ilalim naman ng yellow warning alert ang Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Zambales, Rizal at Laguna.
Ibig sabihin, may posibilidad ng hanggang labinlimang milimetro ng ulan sa loob ng tatlong oras at may banta ng baha sa mga mababang lugar.
Ang southwest monsoon o habagat ang siyang nagdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ayon sa pagasa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.