Yellow at orange rainfall warning, itinaas sa Metro Manila at mga kalapit probinsya

By Kabie Aenlle August 10, 2016 - 12:57 AM

 

Orange Rainfall WarningItinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang yellow rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit nitong probinsya.

Inanunsyo ito ng PAGASA alas-11:00 ng gabi sa gitna ng patuloy na pagdudulot ng malakas na ulan ng hanging habagat sa bansa.

Bukod sa Metro Manila, itinaas ang yellow rainfall warning ang Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite at Batangas.

Samantala, orange rainfall warning naman ang itinaas sa Zambales at Bataan na

nangangahulugang posibleng magdulot ng pagbaha ang malakas na ulan.

Inaasahan namang makakaranas ng mahina hanggang katamtamang lakas at manaka-nakang pag-ulan sa Nueve Ecija, Laguna, Rizal at Quezon naman na posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.