Heavy rainfall warning nakataas sa Zambales, Bataan at Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo August 09, 2016 - 11:30 AM

Yellow Rainfall WarningItinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Cavite.

Sa abiso ng PAGASA alas 11:00 ng umaga, dahil sa mga pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon, nakataas ang yellow rainfall warning sa tatlong nabanggit na lalawigan.

Nangangahulugan ito na nakaranas na ng malakas na pag-ulan sa Zambales, Bataan at Cavite sa nakalipas na isang oras at tatagal sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan ng PAGASA ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Samantala, light hanggang moderate naman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang naka-aapekto sa Metro Manila‬, ‎Pampanga‬, ‎Tarlac‬, ‪‎Bulacan‬, Nueva Ecija, ‪‎Laguna‬, ‪‎Batangas‬, ‪‎Rizal‬ at Quezon na maaring tumagal sa susunod na tatlong oras.

 

 

TAGS: Yellow rainfall warning for Bataan Zambales and Cavite, Yellow rainfall warning for Bataan Zambales and Cavite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.