Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa Zambales at Bataan
Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Zambales at Bataan.
Sa abiso ng PAGASA alas 8:30 ng umaga, dahil sa mga pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon, nakataas ang yellow rainfall warning sa dalawang nabanggit na lalawigan.
Nangangahulugan ito na nakaranas na ng malakas na pag-ulan sa Zambales at Bataan sa nakalipas na isang oras at tatagal sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan ng PAGASA ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.
Samantala, light hanggang moderate naman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang naka-aapekto sa Metro Manila, Pampanga, Tarlac, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.