Ilang media groups, tumatanggap ng payola mula sa drug lords-Aguirre

By Jay Dones August 09, 2016 - 04:25 AM

 

Inquirer file photo

Ginagamit na umano ng mga drug lords ang ilang mga miyembro ng media upang gibain ang kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, natalakay sa Cabinet meeting for cluster, justice and peace noong Lunes, ang pagpopondo sa ilang mga media group upang idiskaril ang hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na supilin ang droga.

Gayunman, bigo si Aguirre na kilalanin ang mga miyembro ng media na nakikinabang umano sa pera ng mga drug lords.

Sa halip, kinumpirma nito na may susunod pang listahan ng mga pulitiko na ibubunyag ang pangulo sa mga susunod na araw.

Lalagyan na rin aniya sa mga susunod na araw ng mas marami pang signal jammers ang New Bilibid Prisons (NBP) upang hindi na makakontak sa labas ang mga drug lords na nakapiit doon at patuloy na nag-ooperate kahit nakakulong na.

Matatandaang noong Linggo, ibinunyag ni Pangulong Duterte ang pangalan ng nasa 159 lokal na pulitiko, pulis at maging mga huwes na sangkot umano sa iligal na droga sa bansa.

58 sa mga ito ang lumantad sa Kampo Crame kahapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.