168 na drug suspects na ang napapatay sa anti-illegal drugs operations ng NCRPO
Pumalo na sa isandaan at animnapu’t walo (168) ang napatay na drug suspek ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) simula noong nakaraang buwan.
Ayon sa NCRPO, naitala ang nasabing bilang ng mga napatay na drug suspek simula July 1 hanggang August 7 sa limang police district sa Metro Manila.
Sa nasabing bilang, animnapu’t anim (66) ang napatay ng Manila Police District na sinundan ng Northern Police District (NPD) na may tatlumpu’t pitong (37) bilang ng napatay.
Sa Quezon City Police District (QCPD), aabot sa dalawampu’t siyam ang napatay na drug suspek habang dalawampu (20) naman sa Southern Police District (SPD) at labing anim (16) sa Eastern Police District (EPD).
Bukod dito, umabot na sa 1,365 ang naaresto naman na drug suspek ng limang police district ng NCRPO sa loob lamang din ng isang buwan.
Nakumpiska naman ang aabot sa 305 na kilo ng shabu, labing dalawang (12) tableta ng ecstasy, animnapu’t isang (61) valium tablets at 500 milliliter ng ketamine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.