PAGASA, naglabas ng flood advisory sa Ilocos, Cagayan Valley at Aurora

By Dona Dominguez-Cargullo August 08, 2016 - 09:51 AM

Aug 8Nagpalabas ng general flood advisory ang PAGASA para sa Ilocos Region, Cagayan Valley at sa lalawigan ng Aurora.

Sa abiso na inilabas ng PAGASA alas 7:00 ng umaga ng Lunes, apektado ang bansa ng Low Pressure Area na nasa 645 kilometers Northeast ng Itbayat, Batanes at Southwest Monsoon o Habagat.

Sa Ilocos Region, inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas nap ag-ulan sa susunod na mga oras na maaring magdulot ng paglaki ng tubig sa mga ilog sa rehiyon.

Partikular na posibleng maapektuhan ang mga ilog sa Pangasinan partikular sa Balincuguin at Alaminos; mga ilog sa mga bayan ng Bulu, Banban, Bacarra-Vintar, Laoag at Quiaoit sa Ilocos Norte; mga ilog sa Abra, Silay-Sta.Maria at Buaya sa Ilocos Sur; at ang mga ilog sa Amburayan, Bararo, Lower Bauang at Aringay sa La Union;

Sa Cagayan Valley naman light hanggang moderate na pag-ulan ang inaasahan ngayong maghapon na maari ding magdulot ng paglaki ng tubig sa mga river systems sa rehiyon.

Sakop ng flood advisory ng PAGASA ang mga ilog sa Dikatayan,Divilacan at Palanan-Pinacanauan sa Isabela; gayundin ang Linao, Lower Abulug, Lower Pamplona, Cabicungan,Aunugay, Baua, Palawaig at Taboan sa Cagayan.

Samantala, sa lalawigan ng Aurora, moderate hanggang heavy rains din ang inaasahang maihahatid ng Habagat at LPA.

Dahil dito, maaring tumaas ang tubig sa mga ilog sa Casiguran, Aguang at Lower Umiray sa nasabing lalawigan.

Payo ng PAGASA sa mga residente na naninirahan malapit sa nabanggit na river systems at sa mga bundok na maging alerto sa posibilidad na flashfloods at landslides.

 

 

TAGS: flood advisory, flood advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.