Luzon grid naka-yellow alert pa rin dahil sa manipis na reserba sa kuryente

By Erwin Aguilon August 08, 2016 - 09:08 AM

NGCP-towerMuling itinaas na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid, dahil sa manipis na reserba sa kuryente.

Tatagal ng anim na oras ang yellow alert, na magsisimula ng alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Ayon sa NGCP, sa ngayon mayroong capacity na 9,591 megawatts at sa oras na mataas ang demand ng kuryente ay aabot sa 9,044 megawatts ang kakailangang kuryente.

Mangangahulugan itong na 547 megawatts na lamang ang matitirang reserba.

Para naman maiwasan ang pagpapatupad ng rotational brownout, pinayuhan naman ng Meralco ang kanilang consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Partikular na maaring gawin ang pag-set ng air condition units sa 25 degrees Celsius at pagtitiyak na ang mga refrigerator ay nakasarang mabuti at iwasan ang pagbubukas-sara nito.

Inabisuhan na rin ng Meralco ang mga commercial at industrial customers na kasali sa Interruptible Load Program na maging handa sa posibilidad na paggamit ng kanilang generator sets sakaling kailanganin.

 

 

TAGS: yellow alert for luzon grid, yellow alert for luzon grid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.