12-anyos na batang lalaki, patay sa world’s tallest waterslide sa Kansas

By Dona Dominguez-Cargullo August 08, 2016 - 08:44 AM

Waterpark in Kansas CityNasawi ang isang dose anyos na lalaki sa aksidenteng naganap sa pinakamataas na waterslide sa buong mundo sa Schlitterbahn Waterpark sa Kansas City.

Ayon kay Park spokesperson Winter Prosapio, nasawi ang bata nang mag-slide ito sa “Verruckt slide”.

Ang “Verruckt” na salitang German ay nangangahulugang “crazy” at ang slide na ito sa Kansas ay may taas na 169 ft at may bilis na 65 mph ang pag-slide dito.

Hindi inilabas ng pamunuan ng nasabing parke ang dahilan at kung paanong nasawi ang bata na kasama ang kaniyang magulang na namasyal sa park.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

Dahil sa pagkasawi ng bata, isinara pansamantala ang waterpark habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nagbukas ang “Verruckt slide” noong 2014 at katumbas ng taas nito ang labingpitong palapag na gusali.

 

 

TAGS: 12 year old boy died after a waterslide ride in Kansas, 12 year old boy died after a waterslide ride in Kansas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.