Multa sa RCBC, nagpatunay lang sa testimonya ni Deguito – Topacio

By Kabie Aenlle August 08, 2016 - 04:18 AM

 

Inquirer file photo

Mas pinagtibay lamang ng P1-bilyong multa na ipinataw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa  Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) ang argumento ni dating branch manager Maia Deguito na ginamit lang siya ng mga matataas na opisyal kaugnay ng $81-million money laundering scam.

Muling idiniin ng kaniyang abogado na si Ferdinand Topacio, na ginamit lang na pamato ng mga malalaking personalidad sa bangko si Deguito.

Dahil aniya sa desisyon ng BSP na patawan ng multa ang RCBC, pinatunayan lamang nito ang testimonya ng kaniyang kliyente na pawang ang institutional lapses ng RCBC ang dahilan at naging daan ng naturang money laundering.

Matatandaang sa mga pagdinig sa Senado, si Deguito ang itinuturong utak ng sinasabing pinakamalaking money laundering scheme sa pamamagitan ng paglilipat ng mgas pondo mula sa bangko patungong mga casino.

Samantala, tiniyak naman ng bagong presidente ng RCBC na si Gil Buenaventura na nasa maayos pa ang kalagayan ng kanilang bangko at hindi dapat ikabahala ng customers ang P1-billion na multa sa kanila ng BSP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.