Abogado ng mga Ong; PNP official humabol sa deadline ni Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle, Rod Lagusad August 08, 2016 - 04:23 AM

 

Kuha ni Rod Lagusad

Ilang oras bago matapos ang palugit na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte, ilang mga personalidad pa na nadawit sa narco-list niya o iyong mga sangkot umano sa kalakalan ng iligal na droga ang tumungo sa headquarters ng Philippine National Police (PNP).

Pasado hatinggabi ng Lunes, dumating ang abogado nina Mayor Hector Ong at Dating Mayor Madeline Ong ng Laoang, Northern Samar na si Atty. Ma. Louise Arzaga-Mendoza upang linisin ang pangalan ng kanyang mga kliyente.

Itinanggi ni Mendoza na may kinalaman ang mga Ong sa kalakalan ng iligal na droga at tiniyak pang sila ay handing maki-isa sa pagsugpo sa problemang ito.

Ayon kay Mendoza, ikinadismaya ng pamilya Ong ang pagkakasama sa listahan lalo na ang kanilang mga anak.

Binigyang diin rin ni Mendoza na sinusunod lang nila ang direktibang ibinigay ni Pangulong Duterte na kailangan nilang sumuko sa loob ng 24-oras o ipapa-hunting sila sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tumungo na rin sa Camp Crame si Police Chief Inspector Rio Maymay para sa ibinigay na taning pangulong Duterte, ngunit hindi pa tiyak kung siya ba ay pumunta doon para sumuko o para linisin ang kaniyang pangalan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.