Sinalakay ng security forces ng Malaysia ang Kampung Sri Aman settlement sa Lahad Datu nitong Linggo at idinetine ang nasa 74 na Pilipinong naninirahan dito.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang Malaysian police na ginagamit na taguan ng mga undocumented immigrants ang naturang lugar kaya’t kanila itong sinalakay.
Aabot sa 150 mga kabahayan ang hinalughog ng mga otoridad at dito, inabutan ang nasa 74 na Pilipino.
Nabigo umano ang mga ito na magpakita ng mga lehitimong dokumento kaya’t idinetine ang mga ito.
Pinakabata sa mga naadetine ay isang 1-taong gulang na sanggol samantalang ang pinakamatanda ay umeedad ng 60-taong gulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.