Malacañang kay Trump: “Pinas hindi bansa ng mga terorista”
Hindi nagustuhan ng Malacañang ang naging pahayag ni U.S Republican party presidential candidate Donald Trump na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang pinagmumulan ng mga terorista.
Reaksyon ito ng palasyo sa pahayag ni Trump na hindi dapat papasukin sa U.S ang mga immigrants na galing sa mga bansang may mga terorista tulad ng Pakistan, Afganistan, Syria at Iraq.
Ipina-alala ni Communications Sec. Martin Andanar na minsang tinawag ni Trump na paraiso ang Pilipinas nang ilunsad niya sa bansa ang kanyang luxury apartment na Trump Tower sa Makati City noong 2012.
Sinabi ni Andanar na dapat magdahan-dahan sa kanyang mga pananalita si Trump at lalong walang basehan ang kanyang mga pahayag.
Hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos si Trump lalo na sa kanyang mga maanghang na pananalita sa mga immigrants na galing sa Asya, Latin America at ilang mga bansang Muslim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.