Bangladesh nagpasaklolo sa Senado para mapabilis ang pagbawi sa “dirty money”

By Den Macaranas August 06, 2016 - 10:30 AM

John-Gomes-0419
Inquirer file photo

Umapela sa Senado si Bangladesh Ambassador John Gomes na tulungan silang maibalik sa kanilang bansa ang bahagi ng $81 Million na pumasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng cyberheist.

Sinabi ni Gomes na hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung kailan nila makukuha ang bahagi ng pera na ninakaw sa Bangladesh Central Bank.

Kahapon ay pinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ng P1 Billion penalty dahil sa nasabing kontrobersiya.

Nangako naman ang RCBC na babayaran nila ang nasabing multa pero ito’y gagawin nilang hulugan.

Handa umano silang magbayad ng P500 Million kapag inaprubahan ng monetary board ang kanilang proposal samantalang ang natitirang P500 Million ay babayaran nila pagkatapos ng isang taon.

Magugunitang inimbestigahan ng Senado ang naturang cyberheist at ipinatawaga ng ilang resource persons pero hanggang ngayon ay hindi pa naibabali ang pera sa Bangladesh.

TAGS: Bangladesh, john gomes, RCBC, Bangladesh, john gomes, RCBC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.