Welcome sa Department of Defense (DND) ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) at muli itong gawing mandatory.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, matagal nang balak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gawin ito, lalo na’t kumakaunti na ang bilang ng mga reservists at enlister personnel sa bansa.
Aniya, ang mga ito kasi ang mga nauunang rumesponde sa mga panahon ng sakuna kaya sila ang ikinakalat sa mga probinsya.
Gayundin naman ang pagtanggap ni Army chief Lt. Gen. Eduardo Ano, dahil aniya, isa sa mga tungkulin ng mga mamamayan ay maging handa na ipaglaban ang bayan sa panahon ng digmaan o sakuna.
Makakatulong aniya ito na gawing mas handa ang ating bansa, lalo na sa usapin ng peace and order.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.