Duterte naghahanap ng “killer” para mamuno sa PCSO
Ito ang hinahanap ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte na mamumuno sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ayon sa pangulo, isa kasi ang PCSO sa pinaka-corrupt na sangay ng pamahalaan kung kaya ito ang dahilan na hanggang ngayon ay hindi pa siya nakapag-appoint ng bagong PCSO chairman.
Nakadidismaya ayon sa pangulo na napupunta lamang sa korupsyon ang malaking kita ng PCSO gayung dapat naitulong sana ito sa pagbili ng medisina ng mga mahihirap na pasyente.
Sinabi pa ng pangulo na kung sino man ang mauupong PCSO chairman ay mayroon itong basbas na patayin ang sinumang mangungurakot sa ahensya.
Samantala, sinabi ng pangulo na ang 30 hanggang 35 bilyong pisong kita sa pagcor ay ilalaan din niya sa mga gamut ng mga mahihirap na pasyente.
Hindi na aniya dapat na magulat ang publiko kung ang bukang bibig niya ay palaging pagpatay dahil paboritong past time niya ito.
Hindi kagaya aniya ng dating Pangulong Benigno Aquino III na ang paboritong past time ay maglaro ng dota o computers games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.