5 years validity ng driver’s license, uumpisahan sa Oktubre
Epektibo sa darating na buwan ng Oktubre uumpisahan nang ipatupad ng Land Transportation Office (LTO) ang five year validity ng driver’s license sa buong bansa.
Ang hakbang ng ito ay alinsunod sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kauna unahang State of the Nation Address o SONA.
Pero nilinaw ni LTO chief Assistant Sec. Edgar Galvante na uunahing ipatupad ang extended validity ng mga driver’s license sa National Capital Region at saka ipapatupad sa iba pang rehiyon ng bansa.
Samantala, aminado si Galvante na marami silang natatanggap na mga reklamo patungkol sa hindi pa mairelease na lisensya.
Sa ngayon aniya, umaabot na sa limang milyon ang backlog sa driver’s license ng LTO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.