Citywide anti-illegal drugs operation inutos ni Erap sa MPD
Pinulong ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga opisyal ng Manila Police District kung saan inatasan niya ang mga ito na suyurin ang buong lungsod at sirain ang mga drug tiangge.
Ang kautusan ni Estrada ay kasunod ng aksidenteng pagkakatuklas sa isang shabu tiangge sa ilalim ng Muelle de Binondo ng mga tauhan ng Department of Public Safety ng lungsod.
Lilinisin sana nila ang mga naipong basura sa nasabing estero nang makita nila sa ilalim ng tulay ang isang maliit na barong barong ni Robert Regio.
Doon ay nakita ang ilang sa drug paraphernalia at napag-alaman rin na nagsisilbi bilang on-stop-shop para sa illegal drug trade.
“Kung kinakilangang baliktarin ang lungsod gawin nyo (MPD) para makita ang lahat ng mga tindahan ng droga”, ayon kay Estrada.
Hiningi rin ng alkalde ang tulong ng 896 Barangay Chairmen sa lungsod na makiisa sa kampanya kontra illegal drugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.