Anti-drug and crime center ng UN, nabahala sa kaso ng “extrajudicial killings” sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo August 04, 2016 - 06:46 AM

Inquirer File Photo / Raffy Lerma
Inquirer File Photo / Raffy Lerma

Nagpahayag na ng pagkabahala ang United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) sa nagaganap na mga kaso at insidente ng pagpatay sa Pilipinas.

Ayon kay UNODC Executive Director Yury Fedotov, labis silang nababahala sa mga ulat na maraming kaso ng extrajudicial killing sa mga hinihinlang drug dealers at users sa bansa.

Ang hakbang aniya ng Pilipinas laban sa mga hinihinalang sangkot sa droga ay taliwas sa probisyon ng international drug control conventions.

“Such responses contravene the provisions of the international drug control conventions, do not serve the cause of justice, and will not help to ensure that “all people can live in health, dignity and peace, with security and prosperity”, as agreed by governments in the outcome document approved at the UN General Assembly special session on the world drug problem,” nakasaad sa pahayag ng UNODC.

Sa kabila nito, sinabi ng UNODC, na handa silang makipagtulungan sa mga member-states kabilang ang Pilipinas para mapanagot ang mga drug traffickers gamit ang legal standards.

Trabaho ng UNODC na tulungan ang UN sa pagtugon sa isyu ng drug trafficking, drug abuse, crime prevention, criminal justice, international terrorism, at political corruption.

Magugunitang noong Hunyo, kinondena ni UN Secretary-General Ban Ki-moon ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa extrajudicial killings.

Ayon kay Ban, ilegal at labag sa karapatan ng bawat isa ang tila pag-endorso ni Pangulong Duterte sa extrajudicial killings na nagaganap sa bansa.

 

 

TAGS: anti-drugs and crime center of UN concerned over PHL extrajudicial killings, anti-drugs and crime center of UN concerned over PHL extrajudicial killings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.