Pagpapa-imbestiga ni De Lima sa EJK, OK lang kay Pangulong Duterte
Mistulang lumambot ang puso ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Leila De Lima at sa plano nitong imbestigahan ng Senado ang mga insidente ng extrajudicial killings sa bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya sinisisi si De Lima sa plano nito dahil trabaho nito bilang mambabatas na maglunsad ng anumang imbestigasyon sa Senado.
Ayon pa kay Pangulong Duterte, kung siya ang nasa puwesto ni De Lima, gagawin din nito ang nais nitong mangyaring imbestigasyon.
Matatandaang una nang nagkairingan ang dalawa nang kuwestyunin ni De Lima ang mga extrajudicial killings sa Davao City at ang mistulang pagbibigay-basbas ng pangulo sa drug-related killings sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.