Mga abugado, pinaiimbestigahan ang mga vigilante killings

By Erwin Aguilon August 04, 2016 - 04:17 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Hiniling ngayon ng Integrated Bar of the Philippines o IBP sa Philippine National Police at Office of the Ombudsman na imbestigahan ang mga insidente ng laganap na pagpatay sa bansa na kinasasangkutan ng umano’y vigilante.

Base sa inilabas na statement ng IBP, sinabi ni IBP President Atty. Rosario Setias-Reyes, dapat magsagawa ng seryoso at kapani-paniwalang imbestigasyon ang mga awtoridad upang mapapanagot ang mga may kasalanan.

Sinabi ng Setias-Reyes na naalarma sila dahil ang itinuturong mga responsable sa pagpatay sa mga sinasabing drug pusher at user ay mga miyembro ng vigilante group.

Kahit anya drug  offender ang nasawi, isa pa rin itong kaso ng murder kaya dapat manaig ang batas.

“It must not be forgotten that regardless of whether or not the victim is a drug offender, unjustified killing is murder nonetheless.”

Samantala, bagama’t nasa mga law enforcer ang mga karapatan para ipatupad ang batas at ipagtanggol ang kanilang sarili ang pag-abuso anya rito ay isa ring kasong kriminal.

Gayunman, pinapurihan ng IBP ang sersoyong kampanya ng administrasyong Duterte para wakasan ang problema sa droga pero iginiit nito na dapat pa ring manaig ang batas na siyang batayan ng demokrasya.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.