Kamara, mayroon nang anti-prank caller bill
Inihain ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa kamara ang isang panukalang batas na magpapataw sa mga prank caller.
Ito’y kasunod ng pagsisimula ng emergency hotline ng Duterte administration na 911, kung saan sa unang araw nito noong August 01 ay marami na ang naitalang prank callers.
Sa House Bill 2323 o Anti-Prank Caller Bill, sinabi ni Biazon na papatawan ng parusang pagkabilanggo ang prank callers.
Paliwanag ni Biazon, walang puwang ang prank calls o practical jokes, lalo na sa paggamit ng emergency hotlines dahil kaligtasan at buhay ng mga tao ang nakasalaylay dito.
Sa unang offense, ang parusa ay pagkakakulong ng isang araw o hanggang tatlumpung araw at multang P5,000.
Sa 2nd offense naman, pagkabilanggo ng isang buwan hanggang anim na buwan at multang P15,000.
Sa ikatlong offense, may parusang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon, na may kaakibat na multang P30,000.
Pero kung paulit-ulit naman ang offense o paglabag ng sinuman, parusang kulong na anim na taon hanggang labing dalawang taon at may multang P50,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.